Pangulong Duterte, lilikha ng bagong Peace Panel

 

Kinumpirma ni Labor Secretary Silvestre Bello III na magtatalaga ng bagong Peace Panel si Pangulong Rodrigo Duterte na makikipag-usap sa CPP-NDF-NPA.

 

Ang pahayag ng Kalihim ay tugon sa mga haka-haka na hindi na interesado ang Pangulo na bumalik sa negotiating table sa mga rebelde.

 

Ayon kay Bello, hindi isinasara ng Pangulo ang pintuan sa kapayapaan na susi sa ikatatagumpay ng kampanya laban sa kaguluhan.


 

Si Bello ang pinuno ng government panel na humarap sa CPP-NDF-NPA na nagsusulong sa Peace Talks.

 

Hindi naman tiniyak ni Bello kung kasama pa siya sa bagong panel na lilikhain ng Punong Ehekutibo.

 

Una nang napabalita na kasado na ang lahat ng kasunduan na lalagdaan ng GRP at CPP panel, nang matigil ang Peace Talks.

Facebook Comments