Manila, Philippines – Lumipad na patungong Cambodia, Hongkong at Beijing, china si Pangulong Rodrigo Duterte.
Nakatakdang dumalo ang Pangulo sa World Economic Forum para sa ASEAN sa mga nasabing bansa kung saan ibibida ng Pangulo ang mga proyekto sa ilalim ng “Dutertenomics”
Sa kanyang departure speech sa NAIA terminal 2 kanina, sinabi ni Duterte na isusulong din niya ang “sovereign equality” sa magiging pulong niya sa China.
Nakatakda rin niyang pulungin ang mga ofw sa hongkong.
Samantala, nabanggit din ng Pangulo ang pagtatalaga nito kay AFP Chief-Of-Staff Gen. Eduardo Año bilang susunod na DILG secretary.
DZXL558
Facebook Comments