Pangulong Duterte mag-iikot sa mga nasalanta ng bagyo kahit sa Pasko

Magtatrabaho kahit Pasko si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang pangako ng pangulo kasabay ng pagbisita nito sa mga lugar na matinding hinagupit ng Bagyong Odette.

Sa pagbisita ng pangulo sa Palawan ngayong araw, nangako ito na magbibigay ng tulong at magtutuloy-tuloy ang bayanihan.


Makakatanggap ng tig-P10,000 ang isang libong indibidwal na lubos na naapektuhan ng bagyo.

Sumatotal P10M ang ipagkakaloob sa Palawan habang P50M naman sa Puerto Princesa.

Kasunod nito, umaapela ang pangulo ng pasensya dahil sa susunod na linggo pa maipagkakaloob ang pera dahil sa ilang prosesong kailangang sundin.

Maliban sa tulong pinansyal, magkakaloob din ang Department of Agriculture (DA) ng tulong pinansyal sa mga magsasaka gayundin ang rice seeds at vegetable seeds at limang libong bangka sa mga mangingisda.

Facebook Comments