Pangulong Duterte, magbibigay ng bulletproof vests at long firearms sa HPG

Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na magbigay ng bullet proof vests at long firearms sa Philippine National Police Highway Patrol Group (PNP-HPG) kasunod ng pagkamatay ng isang HPG officer sa isang shootout sa Cavite City nitong Biyernes.

Nabatid na nag-viral sa social media ang video ng HPG officer na si Police Chief Master Sergeant Julius Arcalas.

Si Arcalas ay kabilang sa team ng HPG personnel na hinahabol ang isang Sports Utility Vehicle sa Manila-Cavite Road.


Hinihingi ng HPG personnel ang Official Receipt at Certificate of Registration (OR-CR) matapos hulihin ang sasakyan dahil sa wala itong conduction sticker at license plate.

Isa sa mga sakay ng sasakyan ay nakikipagtalo sa HPG officer habang ang driver ng sasakyan ay pilit na isinasara ang bintana ng sasakyan nang bigo silang maglabas kahit ng isang identification card.

Ilang minute ay tinangka ng SUV na tumakas pero napigilan sila ng HPG officers ngunit dito na nagkaroon ng putukan at nagresulta ng kamatayan ni Arcalas.

Nakiklala ang isa sa mga sakay na siyang nagpaputok ng Bushmaster na may kasing lakas ng Armalite Rifle na si Methusael Cebrian na dating kadete ng Philippine Military Academy (PMA) ngunit hindi siya naka-graduate.

Nakatakas naman ang driver ng sasakyan.

Ayon kay PNP-HPG Director Police Brigadier General Alexander Tagum, nais ni Pangulong Duterte na palakasin ang kapabilidad ng HPG.

Bukod sa vests at long firearms, nais din ni Pangulong Duterte na bigyan ang mga HPG personnel ng body cameras.

Ipinapaabot ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pakikiramay sa pamilya ng nasawing HPG officer.

Tiniyak ng Pangulo na maibibgay ang karampatang tulong sa pamilya at hustisya.

Facebook Comments