Inirekomenda ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang pagsasailalim sa Metro Manila at Davao City sa General Community Quarantine (GCQ).
Sa isang panayam, sinabi ni Special Adviser to the National Task Force (NTF) COVID-19 Dr. Anthony Leachon na ilalagay ang Metro Manila at Davao City sa GCQ mula June 1, 2020 hanggang June 15, 2020.
Pero ang mga barangay sa National Capital Region (NCR) na high-risk pa rin sa virus ay isasailalim sa “zoning” at maaaring umiral pa rin ang lockdown base sa guidelines ng NTF COVID-19.
Mananatili naman sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Cebu City na itinuturing na second epicenter ng virus.
Ang IATF resolusyon ay kailangan pang aprubahan ni Pangulong Duterte.
Una nang nag-leak sa social media ang resolusyong ito ng IATF.
Tumanggi naman si Presidential Spokesperson Harry Roque na kumpirmahin ang resolusyon.
Aniya, magbibigay ng public address ang Pangulo mamayang gabi hinggil sa posibleng mga pagbabago sa ipatutupad na lockdown restrictions sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.