Limang araw bago ang ika-anim na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, July 26 2021, abala na sa paghahanda ang Palasyo.
Sa katunayan, sinabi ni Pesidential Spokesperson Secretary Harry Roque na may rehearsal ngayong araw ang pangulo ng kanyang talumpati.
Ito aniya ang kauna-unahang praktis ng Pangulo para sa paglalahad ng kaniyang SONA.
Ayon kay Roque, nasa final revision pa ang speech ng pangulo.
Inaasahang tututok ang SONA sa mga nagawa o accomplishments ng Duterte administration sa nakalipas na 5 taon tulad sa usapin ng social programs, infrastructure program at foreign policy.
Asahan ding babanggitin ni Duterte kung ano pa ang aasahan sa nalalabi nitong termino.
Hindi naman kumpirmado kung makakadalo ang mga dating pangulo.