Pangulong Duterte, makikialam sa reduced physical distancing sa mga pampublikong sasakyan kapag hindi nasolusyunan ng IATF

Mapipilitan si Pangulong Rodrigo Duterte na magdesisyon sakaling walang mailabas na resolusyon ang Inter-Agency Task Force (IATF) hinggil sa reduced physical distancing sa mga pampublikong sasakyan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, magpupulong ang IATF para talakayin ang isyu kung dapat ba o hindi na ipatupad ang panukala.

Kasabay nito, kinontra ni Roque ang sinabi ni Department of the Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na hindi kinonsulta sa health experts ang nasabing panukala.


Inaprubahan aniya ng IATF ang panukala ng DOTr na maibaba ang distansya ng mga pasahero sa mga pampublikong sasakyan.

Matatandaang itinakda ng World Health Organization (WHO) ang isang metrong distansya sa mga pampublikong lugar para maiwasan ang hawaan ng COVID-19.

Facebook Comments