Manila, Philippines – Hindi pa isinasarang tuluyan ni pangulong Rodrigo Duterte ang pakikipagusap sa Communist Party of the Philippines, New People’s Army, National Democratic Front o CPP-NPA-NDF.
Sa talumpati kasi ni Pangulong Duterte sa paglulunsad ng Cagayan de Oro bilang 7th Domestic Hub ng isang Airline Company ay sinabi ng Pangulo kabilang sa mga problemang kanyang kinakaharap ay ang NPA at kailangan niya itong kausapin.
Bukod pa aniya ito sa nproblema sa terorismo sa pangunguna ng ISIS o ang idolohiya nito pati na ang operasyon ng iligal na droga na isa talagang malaking problema sa bansa.
Matatandaan na makailang ulit nang sinabi ni Pangulong Duterte na ayaw na niyang makipagusap sa mga rebelde dahil wala namang patutunguhan ito.
Taliwas naman ito sa pahayag ni Government Peace Panel Chief at Labor Secretary Silvestre Bello III na hindi parin tuluyang pinuputol ang posibilidad na pakikipagusap sa mga rebelde.
Pangulong Duterte, makikipag-usap pa rin sa NPA
Facebook Comments