Manila, Philippines – Handa nang makipagkaibigan si Pangulong Rodrigo Duterte sa Amerika.
Ito ang sinabi ng pangulo sa kanyang talumpati sa pagdalo niya sa araw ng makasaysakyang balangiga bells sa Eastern Samar Kahapon.
Aniya, maghihinay-hinay na siya sa kanyang mga tirada sa Amerika.
Bumabawi na rin kasi ang Amerika sa Pilipinas gaya ng pagtulong nito sa giyera ng militar laban sa teroristang Maute group sa Marawi.
Bukod dito, inabisuhan na rin daw siya ng Department of Foreign Affairs na may negosasyon na para maibalik ang mga kampanang ninakaw noon ng Amerika.
Facebook Comments