Pangulong Duterte, makikipagpulong sa kanyang gabinete ngayong araw

180
Courtesy: pcoo.gov.ph

Makikipagpulong ngayong araw si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mga key cabinet members para talakayin ang apela ng mga healthcare workers.


Sa pamamagitan ng text message, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nais ng pangulo na pakinggan ang mapag-uusapan ng kanyang gabinete tungkol sa panawagan ng mga doktor na ibalik muna sa Enhanced Community Quarantine ang Metro Manila sa loob ng dalawang linggo.

Ayon kay Roque, “in due course” o sa tamang panahon ay magbibigay siya ng proper announcement ukol sa kalalabasan ng pulong.

Una nang sinabi ng Malacañang na pinapahalagahan nila ang sakripisyo ng medical frontliners sa laban kontra COVID-19.

Facebook Comments