Apelang “time-out” sa NCR ng mga medical group, sinuportahan ng DOH

115

Suportado ng Department of Health (DOH) ang panawagan ng mga medical group na isailalim ang National Capital Region (NCR) sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).


Sa inilabas ng statement ng DOH, sinabi nitong isusulong nila ang apelang “time-out” sa NCR sa magiging pulong nila sa Inter-Agency Task Force (IATF).

Sa pakikipag-usap ng DOH sa mga frontliner, nangako rin ang ahensya na pangungunahan nito ang implementasyon ng mga epektibong localized lockdown katuwang ang National Task Force at mga lokal na pamahalaan.

Nangako rin ang DOH na pag-aaralan ang mga istratehiya nito at bubuo ng updated version nito sa loob ng pitong araw.

Facebook Comments