Muling nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya papayag na hatulan siya ng mga dayuhang hukom sa labas ng bansa.
Ito ay kaugnay sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa di umano’y paglabag ng administrasyong Duterte sa pagpuksa nito sa droga sa bansa.
Sa kanyang talumpati sa Surigao del Norte, inihayag nito na hindi siya magpapahatol sa mga ‘white people’ bagkus ay mas nanaisin niyang hatulan ng isang Pilipinong hukom sa bansa.
Dagdag pa ni Duterte, mas nanaisin pa nitong makulong sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa kaysa hatulan ng banyagang hukom sa labas ng bansa.
Ang ICC ay mayroong 18 hukom kung saan 10 dito kabilang ang pinakamataas nitong opisyal ay hindi puti o kaya ay Caucasian.
Facebook Comments