Nakapagdesisyon na si Pangulong Rodrigo Duterte kung sino ang ipapalit kay Philippine National Police Chief Debold Sinas na nakatakdang magretiro sa Mayo a-otso.
Ayon kay Presidential Spokesperson. Sec. Harry Roque, mas mainam na hintayin na lang na si Pangulong Rodrigo Duterte ang mag -anunsyo hinggil dito.
Samantala, sa Laging Handa public press briefing sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Usec. Jonathan Malaya na noong isang linggo pa nagsumite si DILG Sec. Eduardo Año ng listahan ng mga pangalan kay Pangulong Duterte na maaaring maging susunod na pinuno ng Pambansang Pulisya.
Ilan sa mga kwalipikasyon para maging susunod na PNP Chief ay dapat i-base aniya sa seniority, merits at experience nito.
Asahan na ani Malaya na sa mga susunod na araw ay isasapubliko na ni Pangulong Duterte ang bagong lider ng Pambansang Pulisya.
Ilan sa mga pasok sa shortlist ay sina Lt. Gen. Guillermo Eleazar, Deputy Chief for Administration Lt. Gen. Cesar Hawthorne Binag at Chief of the Directorial Staff Lt. Gen. Joselito Vera Cruz.