Pangulong Duterte, may napipisil ng maging PhilHealth President

Kinumpirma ni Senator Christopher “Bong” Go na mayroon nang pinag-aaralang kandidato si Pangulong Rodrigo Duterte para ipalit kay resigned PhilHealth President and CEO Ricardo Morales.

Sinabi ni Go na base ito sa kanilang pag-uusap ni Pangulong Duterte.

Ayon kay Go, posibleng magpasya ang Pangulo sa Lunes kung itatalaga na niya ang kanyang napipisil sa kontrobersiyal na pwesto sa PhilHealth.


Binigyang-diin ni Go na kailangang mayroon nang maitalagang Presidente ng PhilHealth para tuluy-tuloy ang serbisyo nito sa mamamayan.

Hindi naman pinangalanan ni Go kung sino ang taong tinutukoy niyang posibleng italaga ni Pangulong Duterte sa PhilHealth.

Facebook Comments