Resigned PhilHealth official, ibinunyag na ang mga opisyal sa kanilang regional offices ang tunay na ‘mafia’

408

Iginiit ni resigned PhilHealth Senior Vice President for Legal Sector Rodolfo del Rosario na ang totoong mafia sa kanilang ahensya ay ilan sa mga opisyal sa kanilang regional offices.

Ayon kay del Rosario, nanatili ng ilang dekada ang mga naturang opisyal sa kanilang pwesto dahil mayroon silang ‘backers’.


Hindi pinangalanan ni del Rosario kung sinu-sino ang mga ito.

Dagdag pa ni del Rosario, sa regional offices nagmumula ang maraming kwestyunableng claims ng mga ospital.

Si del Rosario ay isa sa 13 opisyal na pinatawan ng Ombudsman ng anim na buwang preventive suspension without pay, pero kinalaunan ay nagbitiw siya sa kanyang pwesto.

Facebook Comments