Pangulong Duterte, may payo sa pamilya Marcos kaugnay sa umano’y tagong yaman nito

Manila, Philippines – Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pamilya Marcos na humingi ng immunity bago nila ibalik nila ang mga umano’y tagong yaman nila.

Matatandaang isiniwalat ng pangulo na nakipag-usap sa kanya ang mga Marcoses na handa na nilang ibalik ang sinasabing ill-gotten wealth.

Bagamat ayaw niyang magbigay ng payo sa pamilya Marcos tanong ng pangulo, bakit pa nila ibibigay ang mga yaman kung makukulong naman sila.


Pero paglilinaw ng pangulo anumang immunity ay hindi manggagaling sa kanya kundi sa kongreso.

Binigyang diin pa ng punong ehekutibo kailangang isiwalat ng mga Marcos ang lahat ng kayamanan nila at hindi lamang ang mga nakabinbin ngayon sa korte.

Facebook Comments