Wala pang napipisil si Pangulong Rodrigo Duterte na magiging kapalit ni Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) President at Chief Executive Officer Ricardo Morales matapos itong magbitiw sa pwesto.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, bagama’t mayroon ng shortlist na hawak, magiging maingat ang Pangulo sa pagpili ng magiging kapalit ni Morales.
Aniya, wala namang timeline ang Pangulo sa patatalaga ng bagong PhilHealth President kaya’t hindi ito nagmamadali.
Muli namang sinabi ni Roque na kailangan ang magiging kapalit ni Morales ay walang bahid ng korapsyon, may managerial skills, may kakayahan na mamuno sa insurance at health service at mayroong background sa community health.
Facebook Comments