NBL at WNBL, inaprubahan ng maging professional sports league sa bansa

Inaprubahan na ng Games and Amusement Board (GAB) para maging professional sports league sa bansa ang National Basketball League (NBL) at Women’s National Basketball League (WNBL).

Ayon kay GAB Chairman Baham Mitra, naikasa na nila kasama ang legal at medical division sa mga safety protocol at tournament rules ng NBL at WNBL.

Naitatag ang NBL noong 2018 habang 2019 nabuo ang WNBL kung saan pawang mga lokal na manlalaro lamang ang napipiling maglaro sa bawat probinsya, lungsod at munisipalidad.


Tiniyak naman ni NBL President Celso “Soy” Mercado na kanilang pauunlarin ang liga para sa kapakanan ng mga local players.

Facebook Comments