Pangulong Duterte, muling hinamon ang mga international human rights groups na kasuhan siya

Manila, Philippines –  Hinamon muli ni Pangulong Rodrigo Duterte na kasuhan siya ng mga International Human Rights Groups na tumutuligsa sa giyera kontra droga ng pamahalaan.

 

Walang partikular na grupo na binanggit ang Pangulo.

 

Binanatan din ni Pangulong Duterte ang nakakulong na si Senadora Leila De Lima na patuloy ang pagtanggi sa mga akusasyong sangkot sa illegal drug trade sa bilibid.

 

Pero sa panayam ng Bloomberg Philippines kay United Nations Special Rapporteur on Extrajudicial, Summary or Arbitrary Execution Agnes Callamard – patuloy ang kanilang pagbabantay sa kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga dahil malala na ang sitwasyon sa bansa.

 

Nanawagan din si Callamard – na tanggalin ng Pilipinas ang mga restriction at kahilingan nito para makapasok sila ng bansa at makapag-imbestiga.

Facebook Comments