Manila, Philippines – Hinahamon ni Magdalo Rep. Gary Alejano si Pangulong Duterte na lumagda na sa isang waiver para mabuksan ang mga bank accounts nito.
Ito ay matapos magtugma ang laman ng detalye ng natanggap na dokumento ni Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang mula sa Anti-Money Laundering Council at sa dokumentong hawak ni Senador Antonio Trillanes IV kaugnay sa mga deposito ni Pangulong Duterte.
Aniya, pagkakataon na ito ng Pangulo para ilantad sa publiko ang katotohanan sa pamamagitan ng pag-iisyu ng waiver sa karapatan nito sa ilalim ng Bank Secrecy Law.
Masasabi niya ngayon na sinayang ng Kamara ang pagkakataon na mailabas ang katotohanan sa pagtatago ni Duterte ng tunay na kayamanan nito.
Nagalak naman si Alejano dahil pakiramdam niya ay ‘vindicated’ siya sa nakuhang dokumento ni Carandang sa AMLC dahil ang dokumento ni Trillanes ay isa sa basehan ng inihain niyang impeachment complaint noon sa Pangulo.