Pangulong Duterte, muling hinamon na pumirma ng bank secrecy waiver

Manila, Philippines – Iginiit ni Senador Antonio Trillanes na kumpleto ang mga pinirmahan niyang waiver para mabuksan ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang mga inaakusa sa kanyang offshore account.

Sagot ito ng senador sa birada sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang saysay ang mga pinirmahan niyang waiver dahil hindi naman daw niya solo ang mga nasabing bank account.

Hamon niya, sa halip na magpalusot, pumirma na lang ng bank secrecy waiver ang pangulo.


Nanindigan din si Trillanes na miyembro talaga ng TRIAD si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte.

Paratang pa ng Senador, sangkot talaga sa drug trade si Pulong.

Facebook Comments