Pangulong Duterte, muling iginiit ang kahalagahan ng pagbubukas ng ekonomiya

Desidido si Pangulong Rodrigo Duterte na buksan sa mga susunod na linggo ang ekonomiya dahil hindi habambuhay ay magkakaroon tayo ng health protocols.

Sa kaniyang talumpati sa Port of Dumaguete sa Dumaguete City, Negros Oriental, sinabi ng Pangulo na kailangan nang buksan ang ekonomiya dahil marami nang kababayan natin ang nagugutom at kailangan nang makabalik sa trabaho.

Pero nahihirapan aniya siya sa kaniyang timeline dahil sa kakaunting supply ng COVID-19 vaccines ng bansa na nasa 1.12 million doses lamang.


Batay sa datos, halos 4.5 milyong Pilipino ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

Habang aabot pa lamang sa 114,000 indibidwal ang nabigyan na ng bakuna base sa pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Facebook Comments