Pangulong Duterte, muling iginiit na hindi kakayanin ng bansa na maipit sa giyera

Muling iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi kakayanin ng Pilipinas na maipit sa giyera.

Ito ay sa gitna ng nagpapatuloy na giyera sa Russia at Ukraine at ang banta ng china na bawiin ang Taiwan.

Sa kaniyang Talk to the People kagabi, sinabi ng Pangulo na malaking problema ang kakaharapin ng buong mundo lalo na kung magsimula nang gumamit ng nuclear weapons ang mga bansang nag-aaway.


Ayon pa sa Pangulong Duterte, iniiwasan din niyang magkagulo sa West Philippine Sea lalo na’t ito ang isa sa pinag-aagawan dahil sa langis at iba pang taglay nitong likas na yaman.

Giit ng Pangulo, hindi niya hahayaang magkaroon ng giyera sa ilalim ng kaniyang administrasyon kung kaya’t sinusunod natin ang mga una nang napagkasunduan ng Pilipinas at China pagdating sa joint exploration sa Recto Bank.

Facebook Comments