Pangulong Duterte, muling iginiit na wala siyang nakikitang dahilan para suspindehin si Duque

Walang nakikitang matibay na basehan o argumento si Pangulong Rodrigo Duterte para suspendihin si Health Secretary Francisco Duque III matapos ipanawagan ng mga mambabatas na panagutin ang kalihim sa kakulangan nito sa pangangasiwa ng mga programa laban sa COVID-19 pandemic.

Para kay Pangulong Duterte, maganda ang trabaho ni Duque lalo na sa ‘surveillance’ at ‘vigilance.’

Matatandaang inaprubahan ng House joint panel ang committee report kung saan pinapanagot ang ilang opisyal ng PhilHealth, si Duque at iba pang Cabinet members dahil sa pagkakasangkot sa korapsyon sa ahensya.


Una nang inirekomenda ng Senado na kasuhan si Duque dahil sa pinaniniwalaang dawit sa iregularidad sa state insurance agency.

Dati nang itinanggi ni Duque ang mga alegasyon ng korapsyon laban sa kaniya.

Facebook Comments