Pangulong Duterte muling mag-uulat sa bayan

Asahan na ang Talk to the People mamayang gabi ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Magkagayunman, sinabi ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque na hindi pa niya alam ang magiging paksa ng pangulo sa muling pagharap nito sa taumbayan.

Mag-uulat din ang ilang kalihim o miyembro ng gabinete sa punong ehekutibo at sa publiko kaugnay ng nagpapatuloy na COVID-19 response ng pamahalaan.


Nabatid na kada-Linggo ay walang palya ang ginagawang Talk to the People ng pangulo dahil maliban sa update sa COVID-19 response ay dito rin sinasalag ni Pangulong Duterte ang mga kritisismo na ipinupukol ng kanyang mga kritiko.

Facebook Comments