VP Leni Robredo, opisyal nang inendorso ng opposition coalition na 1Sambayan bilang kanilang presidential candidate

Opisyal nang inendorso ng opposition coalition na 1Sambayan si Vice President Leni Robredo bilang kanilang kandidato para sa pagkapangulo sa 2022 elections.

Sa ginanap na announcement kanina ng 1Sambayan, sinabi ni retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio na napili nila si Robredo dahil sa kaniyang mga katangian na nababagay bilang isang lider ng bansa.

Kasunod nito, umaasa si Carpio na tatanggapin ni Robredo ang hamon para sa ikabubuti ng mga Pilipino.


Sa kasalukuyan, wala pang ipinapahayag na desisyon si Robredo kung tatakbo siyang pangulo habang posibleng mag-reconvene naman ang 1Sambayan sakaling hindi nito tanggapin ang kanilang nominasyon.

Facebook Comments