MAKATI CITY – Muling humingi ng sorry si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pagharap Jewish Community sa Makati City, kahapon.Ang pagbisita ng pangulo ay kasabay na rin ng pagdiriwang Jewish holiday naRosh Hashanaho Jewish New Year.Sa kanyang talumpati, sinabi ng pangulo na wala siyang intensyong bastusin ang alaala ng mga hudyo.Ipinunto pa ng pangulo na ang kanyang dating maybahay na si Elizabeth Zimmerman ay isang Jewish American.Dagdag pa ng pangulo, na naging emosyunal lamang siya dahil sa napakalaking problema sa iligal na droga sa bansa.Samantala… Tinanggap naman ng Jewish Community ang paghingi ng paumanhin ng pangulo at binigyan pa ito ng standing ovation.Kabilang sa mga dumalo sa pagdiriwang si Israel Ambassador to the Philippines Effie Ben Matityau.Sinabi ng Ambassador, na naniniwala siyang hindi intensyunal ang mga naging pahayag ng pangulo at taos puso nilang tinatanggap ang paghingi nito ng tawad.
Pangulong Duterte, Muling Nag-Sorry – Jewish Community, Taos Pusong Tinanggap Ang Paghingi Ng Tawad Ng Pangulo
Facebook Comments