Pangulong Duterte, muling nanawagan sa mga residente ng BARMM na magpabakuna kontra COVID-19

Muling umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga residente ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na magpabakuna na kontra COVID-19.

Ito ay sa gitna ng mababang vaccination rate sa rehiyon na aabot lamang ngayon sa 27.31% o katumbas ng mahigit 960,000 indibidwal na fully vaccinated.

Sinisisi ngayon ng pangulo na dahilan sa mababang vaccination rate ang pagkalat ng fake news at disinformation tungkol sa bakuna.


Kasunod niyan, nanawagan din ang pangulo sa mga opisyal ng BARMM na gampanan ang tungkulin na hikayatin ang kanilang mga constituents.

Sa datos ng Department of Health, halos 67 million pa lamang ang fully vaccinated sa buong bansa kung saan mahigit 12 million ang nagpaturok ng kanilang booster dose.

Facebook Comments