Pagsusuot ng face masks, mananatili hanggang matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte

90

Mananatili ang pagsusuot ng face masks hanggang matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Ito ang iginiit ng Pangulo kahit marami nang mga lugar ang nasa maluwag na alert level dahil sa mababang kaso ng COVID-19.

 

Sa kaniyang Talk to the People, sinabi ng Pangulo na hindi na kakayanin ng Pilipinas ang panibagong surge lalo na’t maraming bansa ngayon ang nakakaranas ng pagsipa ng mga kaso dahil sa pagluluwag ng restrictions.


 

Samantala, kahapon ay nakapagtala pa ang Department of Health ng 273 na panibagong kaso ng COVID-19 pero bumaba naman sa 27,353 ang bilang ng active cases.

Facebook Comments