Pangulong Duterte, muling nanindigang hindi haharap sa alinmang dayuhang korte

Hindi kailanman haharap sa Tribunal ng International Criminal Court (ICC) si Pangulong Duterte.

Ayon sa pangulo, kung makukulong man siya ay dapat dahil ito sa hatol ng isang hukom dito sa bansa.

Bilang isang dating prosecutor, sinabi ng pangulo na mas maganda at katanggap-tanggap na isang Pilipino prosecutor din ang maghahain ng kaso laban sa kanya.


Malaking kalokohan aniya kung taga-ibang bansa ang gagawa nito at pahaharapin siya sa paglilitis sa dayuhang korte.

Ang pahayag na ito ng pangulo ay matapos niyang banggitin muli ang kampanya ng gobyerno laban sa iligal na droga sa dinaluhan nitong aktibidad sa General Santos at ang muling paggiit na may presidential aspirant na gumamit umano ng cocaine.

Facebook Comments