Pangulong Duterte, nababahala sa paglobo ng plastic waste

Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat na magkaroon ng tamang pagtatapon ng basura, lalo na sa mga medical waste.

Ito ay sa harap ng tumataas na plastic pollution ngayong COVID-19 pandemic at sa gitna ng paggunita ng World Environment Day

Sa kanyang Talk to the Nation Address, sinabi ni Pangulong Duterte na dumarami ang plastic waste dulot ng COVID-19 crisis, kabilang ang mga solid waste mula sa delivery ng packaging ng food at non-food products.


Iginiit ni Pangulong Duterte na dapat magkaroon ng proper disposal ng medical waste tulad ng face masks.

Facebook Comments