Pangulong Duterte, nabakunahan na!

63

Binakunahan na ngayong gabi si Pangulong Rodrigo Duterte kontra COVID-19.

Mismong si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III ang nag-administer ng bakuna sa Pangulo sa Malacañang Palace.


Sinopharm ang ginamit na bakuna sa Pangulo sang-ayon na rin sa desisyon ng kanyang mga doktor.

Ayon sa Pangulo, nagpabakuna siya para hindi lang maprotektahan ang kanyang kalusugan mula sa COVID-19, kundi para rin hikayatin ang ating mga mamamayan na magpabakuna.

Bilang isang senior citizen, kasama ang Pangulo sa prayoridad na dapat mabakunahan.

Facebook Comments