Pangulong Duterte, nag-aabang lang ng resulta ng umaandar na proseso kaugnay sa kaso ni Nicanor Faeldon

Manila, Philippines – Binigyang diin ng Palasyo ng Malacanang na hindi makikialam si Pangulong Rodrigo Duterte sa issue na kinasasangkutan ni Customs Chief Nicanor Faeldon matapos makalusot ang 6.4 billion pesos na halaga ng Iligal na droga.

Ito ang sinabi ng Malacañang bilang reaksyon sa naging pahayag ni Senador Antonio Trillanes na nakapagtataka ang katahimikan ni Pangulong Duterte sa nasabing issue gayong droga ang pinag-uusapan.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, matagal nang sinabi ni Pangulong Duterte na hindi siya manghihimasok sa mga ganitong usapin, at dapat aniyang hayaan nalang na gumulong ang proseso sa issue.


Sinabi pa ni Abella na, hindi bago ang pananahimik ng Pangulo dahil ibig sabihin lamang nito ay nagsimula na ang proseso.

Matatandaan na sinabi na ni Pangulong Duterte na pag-aaralan niya ang magiging resulta ng imbestigasyon ng Kamara at ng senado pati na ng ibang ahensiya ng pamahalaan na nag-iimbestiga sa kinasasangkutang issue ni Faeldon bago siya maglabas ng desisyon.

Facebook Comments