Manila, Philippines – Nag-alok si Pangulong Rodrigo Duterte na mag-host ang Pilipinas ng “World Summit” para talakayin ng mga bansa ang proteksyon sa karapatang pantao.
Ito ay sa kabila ng mga kinakaharap na batikos ng Pangulo sa war against drugs ng pamahalaan kung saan ilang buhay na ang nawala.
Sabi ni Pangulong Duterte sa isang pahayag sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Vietnam.
Lahat ng biktima ng human rights violations ay welcome dumalo sa summit para ilahad ang kanilang mga reklamo.
Dagdag pa ng Punong Ehekutibo, anong pinagkaiba ng mga napapatay sa Pilipinas sa mga batang minasaker at pinatay sa ibang bahagi ng mundo?
Muli namang napagdiskitahan ni Pangulong Duterte si UN Special Rapporteur Agnes Callamard na madalas tumutuligsa sa kanyang anti-drug war.