Pangulong Duterte nag surprise visit sa NAIA terminal 2

Sinurpresa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal ng Ninoy Aquino International Airport matapos itong magsagawa ng inspeksyon sa Terminal 2 kanina.

 

Ang surpresang inspeksyon ng pangulo ay dahil narin sa napabalitang maraming delays at cancellations ng flight.

 

Batay sa impormasyong inilabas ng Malacanang ay kinausap ng Pangulo abg mga opisyal ng NAIA para alamin ang sitwasyon lalo na ng mga apektadong pasahero ng mga eroplano na delayed at canceled.


 

Inalam din ng Pangulo kung naibibigay ba ang benepisyo sa mga apektadong pasahero base narin sa umiiral na batas.

 

Naipaliwanag narin naman anila kay Pangulong Duterte ang sitwasyon at ang mga ginagawang hakbang para maresolba ang problema at inilatag din aniya ng Pangulo ang mga nakikita niyang paraan para maresolba ang problema.

 

Personal din namang humingi ng Paumanhin si Pangulong Duterte sa mga pasaherong nakausap nito na apektado ng problema sa NAIA kung saan nangako ito na reresolbahin ang problema sa loob ng isang buwan.

 

Kasama ng Pangulo sa inspeksyon ay sina Manila International Airport Authority General Manager Ed Monreal, Civil Aviation Authority of the Philippines Director General Capt. Jim Sydiongco, Rep. Martin Romualdez, and Davao businessman Sammy Uy.

 

Facebook Comments