Pangulong Duterte nagaalala lang sa anak kaya ayaw patakbuhin sa 2022 presidential elections ayon sa Malacañang

Naniniwala ang Palasyo ng Malacaָñang na posibleng ayaw lang ni Pangulong Rodrigo Duterte na maranasan ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte Carpio ang mga batikos at panlalait na kaakibat ng pagiging Pangulo ng bansa.

 

Ito ang sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo matapos payuhan ni Pangulong Duterte ang kanyang anak na huwag tumakbo sa 2022 presidential elections.

 

Ayon kay Panelo, marahil ay nag-aalala lamang ang Pangulo sa mararanasan ng kanyang anak dahil mahirap ang maging Pangulo ng bansa at bilang ama aniya ay natural lamang na ayaw nitong mahirapan ang kanyang anak.


 

Pero sa kabila nito ay sinabi din naman ni Panelo na mayroon parin namang sariling pag-iisip ang anak ng Pangulo at gagawin kung ano ang sa tingin nitong tamang gawin.

Facebook Comments