Pangulong Duterte, nagbabala sa mga tiwaling DPWH officials

Hindi palalampasin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga iregularidad na nangyayari sa lahat ng tanggapan ng gobyerno, lalo na sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Matatandaang inanunsyo ni Pangulong Duterte sa kanyang huling public address ang ilang DPWH officials na sangkot sa korapsyon na nasuspinde o na-dismiss sa serbisyo.

Inatasan ng Pangulo ang DPWH na i-dismiss sa lalong madaling panahon ang mga opisyal na nasasangkot sa katiwalian.


Kabilang sa mga isinampang kaso sa mga government officials ay serious dishonesty, grave misconduct, gross neglect of duty, falsification of public documents, at conduct prejudicial to the best interest of the government.

Facebook Comments