Pangulong Duterte, nagbabala sa nagbebenta ng pekeng COVID-19 vaccines

Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga indibiduwal na nagbebenta ng pekeng COVID-19 vaccines.

Sa kanyang Talk to the Nation Address, binalaan ng Pangulo ang sinumang magsasamantala lalo na at naghihirap na ang mga Pilipino ngayong pandemya.

“I’m just warning you, ‘wag na ‘wag kayong magkamali dito. Hirap na ang Pilipino tapos dadagdagan mo ng ganitong pamamaraan na hanapbuhay. Pupulutin ka talaga kung saan, ‘di ako nagbibiro,” sabi ni Pangulong Duterte.


Bago ito, inatasan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang Philippine National Police (PNP) na arestuhin ang mga taong nagbebenta o gumagamit ng pekeng COVID-19 vaccines.

Facebook Comments