Pangulong Duterte, nagbabalang ipaparesto ang mga kawani ng Ombudsman na hindi tatalima sa imbestigasyon

Manila, Philippines – Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na kaniyang ipaparesto ang mga opisyal ng Office of the Ombudsman na hindi makikipagtulungan sa ikakasang imbestigasyon sa umano’y anomalya sa naturang tanggapan.

Sa interview ng PTV4, sinabi ng pangulo na sa sandaling hindi sumipot ang mga opisyal ng Ombudsman sa isasagawang imbestigasyon ng itatatag niyang komisyon ay ipa-aaresto niya ang mga ito sa pulisya o militar.

Wala naman anyang masama sa kanyang plano bagkos nais lamang niyang maging patas lalo’t ang katarungan ay para sa lahat.


Una nang sinabi ng pangulo na magtatayo siya ng isang komisyon na mag-iimbestiga sa Ombudsman.

Binigyang diin pa ng pangulo na hindi maaari na Ombudsman lang ang nag-iimbestiga sa mga opisyal ng gobyerno.

Facebook Comments