Ombudsman, hindi magpapasindak sa pangulo

Manila, Philippines – Sorry na lang daw si Pangulong Rodrigo Duterte dahil hindi magpapasindak ang Office of the Ombudsman.

Ito ang matapang na pahayag ng Ombudsman kasunod ng utos ng pangulo na bumuo ng komisyong mag-iimbestiga sa mga umano’y katiwalian at korapsyon sa kanilang tanggapan.

Una rito, hinamon din ni Duterte ang Ombudsman na hanapin ang P211-million sa kanyang bank accounts batay na rin sa alegasyon ni Senador Antonio Trillanes na tagong-yaman ng kanyang pamilya.


Pero ayon sa Ombudsman, tuloy pa rin ang kanilang imbestigasyon.

Wala raw dapat ikatakot si Duterte kung wala siyang tinatago.

Welcome din sa kanila ang mga hakbang para malinis ang kanilang hanay.

Facebook Comments