Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na iwasan ang pagbili ng mga gamot kontra COVID-19 sa mga tindahan kagaya ng sari-sari stores at online sellers.
Sa kaniyang Talk to the People, sinabi ng pangulo na kadalasan kasi ay hindi natutuloy ang kaso sa mga nahuhuli kaya wala silang takot sa pagbebenta ng mga pekeng gamot.
Kasunod nito, nagbanta rin ang pangulo na ipapainom niya ang mga makukumpiskang gamot sa mga mahuhuling nagbebenta ng mga ito.
Batay sa datos ng Food and Drug Administration (FDA), 21 mula sa 926 drug outlets sa buong bansa ang hinihinalang nagbebenta ng mga pekeng gamot at diagnostic kits.
Facebook Comments