Pangulong Duterte, wala pang i-e-endorsong presidential candidate

Wala pang kandidatong napipili ngayon si Pangulong Rodrigo Duterte para i-endorso bilang kaniyang kapalit.

Sa kaniyang Talk to the People, ibinunyag ng pangulo na ilang tumatakbo para sa pagkapresidente ang lumapit na sa kaniya para humingi ng suporta.

Pero sinabi ni Pangulong Duterte na kwalipikado naman ang lahat ng mga kandidato ngayon maliban lamang kung nanaisin nilang makipag-negosasyon sa mga komunista.


Matatandaang sa mga nakalipas niyang Talk to the People ay sinabi ng pangulo na papangalanan niya sa tamang panahon ang mga kandidatong corrupt at walang kakayanan maging presidente.

Facebook Comments