Pangulong Duterte, nagiging diktador na – kongresista

Manila, Philippines – Lumalabas na ang pagiging diktador ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang paniniwala ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat lalo na nang masimulan ng Pangulong Duterte ang pagdedeklara ng martial law.

Ayon kay Baguilat, ang pagdedeklara ng Pangulo ng martial law ay nangangahulugan lamang na babalewalain nito ang anumang posisyon ng Kongreso at Korte Suprema sa isyu ng batas military.


Dahil dito, nakiusap si Baguilat sa liderato ng Kamara na tuparin ang mandato ng Kongreso na magconvene para sa joint session.

Dapat aniyang mag-convene ang dalawang Kapulungan upang masuri kung may pang-aabuso sa likod ng idineklarang martial law.

DZXL558, Conde Batac

Facebook Comments