MMDA, muling nag sagawa ng clearing operation sa QC

Manila, Philippines – Muling nag sagawa ng clearing operation ang mga tauhan ng MMDA sa kahabaan ng Commonwealth Q.C.

Ito ay dahil sa nagkalat na mga tindahan, kainan pati mga sasakyan na iligal na nakaparada.

Hindi rin pinalagpas ng MMDA ang mga talyer at carwash na nasa Litex na bahagi pa rin ng commonwealth dahil ang mga ito ay nakakaabala na sa kalsada at isa sa ugad ng trapik sa lugar.


Kinumpiska din ang mga gamit, gulong at may isa pang kotse na hinahatak na ng towing truck dahil sa iligal parking.

Matatandaan na halos araw-araw nag sasagawa ng clearing operation ang MMDA.
Ayon sa mga tauhan ng MMDA may mga lugar pa silang sasalakayin hanggang mamayang hapon.

DZXL558, DK Zarate

Facebook Comments