Pangulong Duterte, naglabas nanaman ng galit sa mga rebeldeng komunista

Manila, Philippines – Bumanat nanaman si Pangulong Rodrigo Duterte New sa People’s Army at sa mga militante.
Ayon kay Pangulong Duterte, hindi dapat tawagin na NPA ang mga Rebelde at sa halip ay mga Extortionist, Hold-upper at mga Kidnapper.
Inutusan naman ni Pangulong Duterte ang mga sundalo na huwag naring tawagin na Revolutionary Tax ang sinisingil ng mga rebelde sa mga pribadong indibidwal at kumpanya dahil ang Gobyerno lamang ang may karapatang maningil ng buwis at ang ginagawa ng mga rebelde ay iligal at dapat parusahan ng batas.
Bumanat din naman ni Pangulong Duterte kay dating Bayan Muna Representative Teddy Casino kung saan sinabi nito na wala naman itong kontribusyon sa bansa bukod sa pagnanakaw at destruction.

Facebook Comments