Pangulong Duterte, naglatag ng kondisyon sa Amerika para sa pagpapatuloy ng VFA

Naglatag si Pangulong Rodrigo Duterte ng bagong kondisyon para sa pwersa ng sundalong Amerikano sa Pilipinas.

Ayon kay Pangulong Duterte, kung gustong maipagpatuloy ng mga Amerikano ang Visiting Forces Agreement (VFA) ay kailangan nilang magbayad.

Aniya, ito ay isang share responsibility at hindi libre dahil kapag pumutok ang giyera, lahat naman ay magbabayad.


“From now on, you want the Visiting Forces Agreement done?, they have to pay. It’s a shared responsibility, but your share of responsibility does not come free. Because after all, when the war breaks out, we all pay. You, kami, we are nearest to garrison there where there are a lot of arsenals of the Chinese armed forces.” ani Duterte

Binaggit din ng Pangulo na sa ngayong ang nakikita niyang pinakamalapit at pinaka-convenient na outpost para sa pwersa ng mga dayuhan ay ang eastern side ng Pilipinas at Pawalan.

Nilinaw rin ng Pangulo na hindi siya laban sa China at hindi rin maka-Amerika bagkus isa lamang siyang Pilipino kawani ng gobyerno na nagtatrabaho sa interes ng bayan.

Facebook Comments