Pangulong Duterte, nagpaabot ng pakikiisa sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr

Nagpaabot ng pakikiisa si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdiriwang ng mga Pilipinong Muslim sa Eid’l Fitr o ang pagtatapos ng Ramadan ngayong araw.

Sa kanyang mensahe, hinimok ng pangulo ang mga kapatid na Muslim na maging “agents of change” sa komunidad.

Umaasa ang pangulo na ang kalinawan ng isipan at karunungan na nakuha ng mga ito sa nakalipas na isang buwan ng Ramadan ay magsisilbing inspirasyon para isabuhay ang mga butihing aral sa pananampalatayang Islam.


Idineklara ni Pangulong Duterte ang Mayo 25 bilang regular holiday sa buong bansa para bigyang-daan ang pagdiriwang ng Eid’l Fitr.

Facebook Comments