Pangulong Duterte, nagpadala ng letter of solidarity kay India Prime Minister Narendra Modi

Kasunod nang nararanasang surge ng COVID-19 cases sa India, nagpadala ng letter of solidarity si Pangulong Rodrigo Duterte kay India Prime Minister Narendra Modi.

Ayon kay Philippine Ambassador to India Ramon Bagatsing, bagama’t ang ibang mga bansa ay nagpadala na ng mga donasyon sa India, tulad ng oxygen tanks, mga gamot at iba pang equipment na panlaban sa COVID-19, ang suporta at panalangin ang pinakamagandang ibinigay ng Pilipinas ngayon sa India.

Sinabi ni Ambassador Bagatsing na naiintindihan nya na may kinakaharap ding hamon ang Pilipinas pagdating sa pandemya.


Kasunod nito umaasa si Bagatsing na hindi matutulad ang Pilipinas sa India kung saan biglang lumobo ang COVID-19 cases at hindi na kayang tugunan ng kanilang healthcare facilities.

Sa ngayon, nasa 73 ang mga Pilipinong tinamaan ng COVID-19 sa India at 2 na ang napaulat na nasawi.

Hinihintay na lamang aniya nila ang clearance para maiuwi ang nasa 50 mga kababayan nating nais ma-repatriate pabalik ng Pilipinas.

Facebook Comments