POPCOM, maglalabas ng guidelines sa pamamahagi ng contraceptives sa mga community pantry

30

Nagpahayag ng suporta ang Population Commission (POPCOM) sa mga community pantry na nagbibigay ng libreng contraceptives.

Ito ay matapos ipamigay rin sa community pantry sa Davao, Legaspi City at Taguig ang contraceptives.


Ayon kay POPCOM Executive Director Jose Antonio Perez, maglalabas sila ng guideline para sa pamamahagi ng libreng contraceptives.

Kabilang aniya sa guidelines ay ang health protocols sa pamimigay nito, at dapat batid ng health worker ang paggamit at may prescription sa pamamahagi nito.

Facebook Comments