Nananatili ang pamahalaan na pagtibayin ang mga hakbang nito para mabawasan ang epekto ng COVID-19 pandemic.
Ito ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kainyang Bayanihan 2 report sa Kongreso na inilabas ng Malacañang nitong Lunes ng gabi.
Ayon kay Pangulong Duterte na sa pamamagitan ng Republic Act 11464 o Bayanihan to Recover as One Act, mapapanatili at mapapaigting ang kakayahan ng bansa sa pagpapatupad ng mga programa na layong mabawasan ang socioeconomic impact ng COVID-19, mapalakas ang healthcare system sa bansa, muling maibangon ang ekonomiya, at mapaigting ang mga fiscal at monetary policies.
Nagpapasalamat si Pangulong Duterte sa Kongreso sa pagpasa sa Bayanihan 2.
Sinabi rin ng Pangulo na nagawa ng mga kaukulang ahensya na mapanatili ang pandemic response sa kabila ng pagkakapaso sa unang Bayanihan law.
Nakasaad din sa report ang paliwanag ni Pangulong Duterte na palawigin ang calamity declaration sa buong bansa hanggang September 2021 kung saan kabilang na rito ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19.
Nilalaman din ng report ng Pangulo ang mga updates sa mga programa at aktibidad ng 50 departamento at ahensya sa ilalim ng Executive Branch.